Search
  • Pabs Hernandez III

Kelot sugatan sa 2 karnaper

COTABATO CITY—Isang lalaki ang sugatan nang barilin ng dalawang hindi kilalang karnaper, kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights, sa lungsod na ito.

Nakilala ang biktima na si Andro Ferilino, nakatira sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo si Ferilino nang harangin ito ng dalawang suspek at pilit na inaagaw ang kanyang sasakyan.

Nang manlaban si Ferilino ay dito na ito binaril ng mga suspek at nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga karnaper tangay ang motorsiklo ng biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.