- BULGAR
BULLPUPS, GINITLA ANG DLSU-ZOBEL, BABY FALCONS, MATATAG SA IBABAW


INUMPISAHAN ng National University ang kanilang 5-peat campaign sa girls’ division sa pamamagitan ng 22-25, 25-23, 25-15, 25-22 na paggapi sa De La Salle-Zobel noong nakaraang Linggo sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.
Pinunuan ni Camille Lamina ang puwestong binakante ni dating setter Joyme Cagande, matapos magtala ang bagong starting playmaker ng 20 excellent sets bukod pa sa dalawang service aces.
Pinamunuan ang panalo nina reigning MVP Mhicaela Belen at Erin Pangilinan matapos kapwa umiskor ng tig-13 puntos kasunod si skipper Faith Nisperos na may 10 puntos.
Nakapagtala ng split ang boys’ titleholder University of Santo Tomas sa unang dalawang laro.
Pagkatapos ng nalasap na pagkabigo sa kamay ng 2017 runner-up NU, 21-25, 20-25, 25-23, 37-39 noong Sabado, bumawi ang UST sa pamamagitan ng 25-14, 25-20, 25-22 panalo kontra De La Salle-Zobel noong Linggo.
Nanguna si Rey Miguel de Vega sa panalo ng Tiger Cubs’ kontra Junior Green Spikers sa ipinosteng 16 puntos, 7 digs at 7 receptions, kasunod si Jhun Lorenz Senoron na nagdagdag ng 13 puntos. (VA)