top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Unanong bida sa serye, sikat na… JO BERRY, KILIG NA KILIG NA DINUDUMOG NA NG FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2018
  • 1 min read

AMINADO si Jo Berry na malaki ang nabago sa kanyang buhay simula nang magbida siya sa Onanay.

“Hindi na ako makakalabas nang basta-basta labas lang. Kasi, nadudumog po ako. Saka, hindi na ako makaalis na ‘yung ‘pag nagpaalam ako, ‘O, sige,’ ganu’n lang, ‘pag with friends po.

“Hindi na ako pinapayagan basta-basta lalo ng parents ko, kasi alam nila na iba na nga po,” sey ni Jo nang makatsikahan na­min sa set visit ng Onanay.

Na-appreciate raw niya siyempre na marami na siyang fans, pero hindi rin daw maiwasan minsan na may mga taga­hangang dahil sa labis na tuwa ay nandi­yang nangungurot or nanghahatak.

Pero, hanggang ngayon ay surreal pa rin daw ang feelings para sa kanya na nare-recognize na siya ng mga tao.

“Na darating pa sa puntong may mga fans na lalapit sa akin, tapos nanginginig, umiiyak, tapos ia-ask ako na ‘Puwede ka ba naming ma-hug?’ Ganu’n po,” ku­wento pa niya.

“Tapos, nae-experience ko na rin po na binibigyan ako ng flowers, pinapa­dalhan ako sa bahay ng mga fans, tapos may letter pa,” dagdag ni Jo.

Pero, ang talagang ikinatutuwa at ipi­nagpapasalamat daw niya ay ‘yung naka­pagbibigay siya ng inspirasyon sa mga tao. Na ang isang tulad niyang “little person” ay puwede ring maging inspirasyon sa marami.

“Laging ang natatanggap ko na message is nagpapasalamat sila kasi nai-inspire ko sila. Ang sarap po sa feeling ko nu’n kasi bago naman mag-start, ‘yun tala­ga ang goal ko. ‘Yun ang gusto kong mang­yari, na maka-inspire ng mga tao,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page