Para sa mga mahihilig sa nakatatakot, read n‘yo ‘to, dali! PANONOOD NG HORROR MOVIES, GOOD SA HEALTH
- BULGAR

- Oct 15, 2018
- 1 min read

SAKTO at nalalapit na ang buwan ng Nobyembre kung saan uso na naman ang mga halloween party, bukod sa nakae-enjoy manood ng nakatatakot at makipagtakutan, knows ba ninyo na may mabuting naidudulot sa kalusugan ang horror movies?

Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang panonood daw umano ng mga nakatatakot na palabas ay may naibibigay na maganda sa buhay at kalusugan ng tao.
Dagdag pa ng mga eksperto, ito raw ay nakababawas ng calories dahil sa movement activities na magagawa natin sa tuwing magugulat o matatakot tayo tuwing nanonood.
Gayundin, nakatutulong ito upang mawala ang anxiety at stress natin dahil natutuon ang ating atensiyon sa ibang bagay, gayundin nakae-enhance ito ng brain activity, nakabu-boost ng immune system at nakapagpapatibay ng relasyon sa ibang tao.
Kaya oks lang na magsisisigaw at makipaghampasan sa katabi basta makanood lang ng nakatatakot na palabas.
At ang paalala ng mga eksperto, kung dehins talaga keri ang makipagtakutan, ‘wag na itong subukan upang wala ng iba pang madamay o hindi maapektuhan ang puso.
Pero, ‘wag kalilimutan na ang kaunting thrill sa buhay ay maganda para sa physical, mental at emotional health.
Kaya para sa mga mahihilig sa horror movies diyan, ipagpatuloy lang ninyo ‘yan, mga beshy! Para magkaroon ng mas magandang kalusugan!
Copy? He-he-he!





Comments