Pagpataw ng excise tax sa gas, pinasusupinde!

MAY nagbabadya raw na magandang balita kaugnay sa presyo ng mga bilihin.
Nakatakda umanong suspendihin ng gobyerno ang ikalawang tranche ng excise tax sa mga produktong langis.
Matatandaang, nasa dalawang piso (P2) kada litro ng produktong petrolyo ang excise tax na ipapataw sakaling matuloy ang implementasyon ng 2nd tranche.
Mabigat sa bulsa, panibagong adjustment na naman sa budget.
Kaya kung matutuloy ang sinasabing pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa suspensiyon ng pagpapataw ng excise tax na epektibo sa Enero 2019, good news ‘yan.
Ang problema, kamakailan nang manindigan ang Department of Finance na hindi ang mataas na presyo ng petrolyo ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DOF Assistant Sec. Tony Lambino, na ang pangunahing “driver” ng patuloy na pagtaas ng presyo ay ang agricultural products tulad ng bigas, isda, gulay at karne.
Aniya, kahit suspendihin ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo, minimal lamang ang epekto nito dahil 25 percent lamang ang kontribusyon nito sa kabuuang inflation.
Kaya ang tanong, ano kaya ang magagawa ng pagsuspinde sa 2nd tranche ng excise tax?





Comments