Search
  • BULGAR

Breakup nila, iba raw ang dahilan… DIEGO, MATAGAL NANG TANGGAP ANG SAKIT SA PAG-IISIP NI SOFIA

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

SA nakaraang presscon ng Los Bastardos, tinanong namin ang isa sa main cast na si Diego Loyzaga kung true ba na ang inamin ni Sofia Andres na anxiety attack niya ang naging dahilan ng kanilang breakup.

Agad na paglilinaw ni Diego, “No, no, of course not. It’s horrible if you break-up with someone because of a problem like that.

“When people have those problems, may pinang­gagalingan ‘yun, eh. Help the person out. Try to make them feel better.”

Pag-amin ni Diego, matagal na niyang alam ang tungkol sa sakit ni Sofia kaya hindi na niya ikinagulat ito.

“I’ve known it ever since, that’s why Sofia and I have a bond that we created for each other. I mean, ‘di naman ‘yan mabubura, ‘di naman ‘yan mawawala.”

Kaya kahit break na raw sila, friends pa rin naman sila ng ex-GF at nagkakausap pa rin paminsan-minsan.

“We understand each other, we still understand each other. That’s a thing I wanna clear, that we stay friends because if ever you need somebody, I’m still gonna be here for you,” sabi pa ni Diego.

At lagi pa rin naman daw siyang nandiyan sakaling kailanganin ni Sofia ng tulong niya.

“If ever you are having one of these attacks, call me up. She did that one time, she was like, ‘Diegs, I need your help.’

“I was there to listen and I will always be there to listen,” ani Diego na nagsabing mahal pa rin niya si Sofia as a friend at hindi na nga lang bilang girlfriend.

Anyway, ngayong Lunes na ang simula ng Los Bastardos sa Kapamilya Gold after Kadenang Ginto.

Kasama ni Diego na bibida sa serye at gaganap na anak ni Ronaldo Valdez bilang Don Roman sina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Joshua Colet at Albie Casiño.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.