• BULGAR

Shocked na sinaktan daw ni Elmo si Janella…SIGAW NI JANINE: NEVER AKONG MAGPAPABUGBOG SA BF KO!

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

KUNG updated si Janine Gutierrez sa nalalapit na pagpapakasal ng kanyang mom na si Lotlot de Leon kung saan siya ay tatayong bridesmaid, wala naman siyang masabi sa tsikang may bago na ring GF ang kanyang Daddy Monching (Ramon Christopher Gutierrez).

Nagulat pa nga siya nang mismong ang mga press people na dumalaw sa set ng Victor Magtanggol ang nagsabi na may bali-balitang nagkabali­kan ang kanyang Daddy Monching at ang ex-GF nitong si Tina Paner.

“Ha? Hindi ko po alam na may ganyang balita. Hindi kami nag­ka­ka­usap ni Dad tungkol diyan,” ang tanging nasabi na lang ni Janine sa mga reporters.

Well, natanong din si Janine tung­kol sa bugbugan issue ng ex-BF ni­yang si Elmo Magalona at ni Janella Salvador. Hindi rin siya makapa­niwala na may ganu’ng kaganapan. Noong sila pa kasi ni Elmo, eh, hindi raw siya nakaranas maging battered GF. At never daw niyang papa­ya­gan na saktan siya ng boyfriend.

Mukhang hindi naman niya daranasin ito sa piling ni Rayver Cruz na sobrang maginoo, mabait at marespeto sa babae.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.