Search
  • Nitz Miralles

Ganern, Mayor Bistek? RODERICK, KUMANTANG SIYA ANG GUMAGAWA NG TRABAHO NI VM JOY SA KYUSI

Sinamahan si Quezon City Coun­­cilor Roderick Paulate ng kan­yang mga supporters nang mag-file ng Certificate of Candidacy o COC dahil tatakbo siyang vice-mayor sa Kyusi sa ilalim ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino party. Si Chuck Mathay ang mayor ni Rode­rick at ang sabi nito, silang dalawa pa lang sa partido at bukas sila na tumanggap ng tatakbong konsehal at congressman.

Nabalita noon na tatakbong konsehal ang aktres na si Ara Mina sa ilalim ng partido ng amang si Chuck, pero sabi ni Roderick, wala pang sinasabi si Ara tungkol dito. Saba­gay, hanggang October 17 pa naman ang filing ng candidacy, mahaba pa ang panahon para humabol si Ara.

Sa ngayon, walang rason para umatras si Roderick sa pagtakbong vice-mayor. Desidido siyang ipagpatuloy ang pagiging public servant. Ang makakalaban pa lang niya ay si Gian Sotto na nag-file na rin ng COC at ang pakiusap ni Roderick, ‘wag silang pagkum­parahin at ‘wag gawan ng isyu.

Naniniwala si Roderick na mas titingnan ng mga voters ang mga nagawa na niya at hindi na rin naman bago sa kanya ang gam­panan ang posisyon na vice-mayor dahil ‘pag wala si VM Joy Belmonte, siya ang guma­gawa ng trabaho nito.

Sa March pa ang simula ng kampanya, may panahon pa sina Roderick at Chuck na pag-usapan ang diskarte nila sa kam­panya para makakuha ng suporta at boto.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.