top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ebidensiya, idinispley ng TV host sa IG… KRIS, NASIRA ANG BALAT DAHIL SA SAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2018
  • 1 min read

GRABE pala ang nangyayari sa skin ngayon ni Kris Aquino dahil sa sakit niyang urticaria.

Ipinost ni Kris sa kanyang Insta­gram account ‘yung mga pictures niya ng ilang parte ng katawan niya na halos nagsusugat na dahil sa pamumula, pamamantal, pamamaga at pamamasa.

As we all know, napaka-flawless ni Kris at parang papel sa kaputian. Kaya nga kahit tuldok lang na dumi sa katawan niya ay kitang-kita, eh, pa’no pa ‘yung mga pula-pula ngayon na kalat-kalat sa balat niya?

Kaya naman pala ganu’n ka-worried si Kris dahil 2013 pa nagsimula ‘yung urticaria niya na akala raw niya nu’ng una ay allergic reactions lang.

Nagtataka lang ang ilan, sa linis daw ni Kris sa katawan, bakit nagkaroon pa rin ito ng mga kati-kati? Pero komento naman ng iba, sa sobrang linis nga raw kasi niya kaya wala na siyang germs sa katawan.

Ang nakakalungkot na part dito, sa kabila ng pinag­daraanan ngayon ni Kris — na bukod sa sakit niya, nawalan pa siya nang milyones dahil sa panloloko sa kanya — hindi pa rin natitinag ang mga bashers niya at imbes na maawa sa TV host at ex-First Sister at First Daughter, sinasabihan pa siya ng “karma” niya ‘yun dahil sa pagiging bratinella at kaartehan niya.

Kaya para hindi na lang ma-stress lalo’t bawal sa kanya ‘yun, we understand kung naka-off ang comments section sa Instagram post ni Kris.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page