- No Problem
Applesauce, coconut, spices etc... IBA‘T IBANG SANGKAP NA KERING PAMALIT SA ASUKAL

SWEET lover ka ba ‘yung tipong hindi ka mabubuhay ng walang asukal sa kinakain o iniinom mo? Naku, bad ‘yan, beshy, dahil hindi ‘yan makabubuti sa iyong kalusugan! At dahil diyan, bibigyan kayo ng ilang bagay na pang-alternatibo sa asukal!
1. DATES. Ang dates ay may natural na tamis at punumpuno ng fiber. Masarap itong inilalagay sa smoothies at salad.
2. COCONUT SUGAR. Marami talagang naibibigay ang coconut – puwedeng inumin, pagkain, gamit na panlinis at marami pang iba!
Pero, knows ba ninyong puwede rin itong gawing asukal? Kaya kung magkakape o iinom ng tsokolate o tsaa na kulang sa tamis, eh, puwedeng-puwede ninyong ilagay ang coco sugar.
3. APPLESAUCE. Sa U.K. cookbook na isinulat ni Sassy Gregson-Williams tungkol sa kalusugan, sinabi niyang isa ang applesauce sa ginagawa niyang alternatibo ng asukal sa kanyang mga niluluto at talagang healthy ito dahil mula ito sa prutas. ‘Ika nga, “an apple a day keeps the doctor away”.
4. MONK FRUIT SWEETENER. Ayon sa food blogger na si Laura Lea Goldberg, ang monk fruit daw ay low-glycemic, low-carb na maaaring ipang-substitute sa puting asukal.
Masarap umano itong isabay sa mga pagkaing may matapang na sangkap tulad ng cocoa powder, cinnamon, walnuts at banana.
5. SPICES. Sinong nagsabing matatamis lang ang maaaring ipalit sa asukal?
Para sa mga beshy nating ayaw gumamit ng coco sugar, maple syrup o kaya honey sa kanilang mga recipe, maaari rin kayong mag-eksperimento sa inyong mga kusina para makahanap ng gugustuhin ninyong pamalit dito.
6. HONEY. Last, but not the least! Tumpak! Siyempre, ang honey na natural na matamis ay makatutulong din sa ating kalusugan.
Oh ‘yan, beshy, ha? Makakakain pa rin kayo ng matamis, pero iwas na sa diabetes!