top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 Vendor, todas sa SUV

  • BULGAR
  • Aug 13, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 13, 2022


ISABELA—Dalawang vendor ang namatay at sugatan naman ang isa pang katao nang aksidenteng mabangga ng Sports Utility Vehicle ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Nagcuartelan, Aritao.


Kinilala ang mga nasawi na sina Jake Bautista at Raquel Urbano, samantalang ang sugatan ay si Rosian Bautista, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng SUV si Eligio Tabbu kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng van sa motorsiklo ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Jake at Raquel, samantalang sinampahan na ng pulisya si Tabbu ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide, physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page