top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 tulak ng marijuana arestado

  • BULGAR
  • Sep 18, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 18, 2022


LAGUNA—Dalawang drug pusher ng marijuana ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mamplasan, Binan City.


Kinilala ang mga suspek na sina Myco Garcia, 36-anyos at Ronald Annonuevo, 39-anyos, kapwa nakatira sa Calauan sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng marijuana ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga nina Garcia at Annonuevo ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng marijuana at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page