2 tulak, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Feb 23, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 23, 2022
QUEZON--Dalawang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lumingon, Tiaong.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Venson Luna at May Naredo, kapwa nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments