Search
  • BULGAR

2 tulak, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | September 30, 2020



CAGAYAN—Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Tuao.


Kinilala ang mga suspek na sina Lester Tumanguil at John Moller, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing bayan nang pagbentahan nina Tumanguil at Moller ng marijuana ang mga operatiba ay dito na dinakip ang dalawang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad sachet ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.