top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 trak nagkabanggaan, 2 driver sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 02, 2020



Quezon—Dalawang driver ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang minamanehong nilang trak kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Tagkawayan.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Larry dela Cruz at Rico Armada, kapwa driver ng delivery van.

Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga trak na minamaneho nina Dela Criz at Armada kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang lugar.

Kaagad dinala sa ospital ng mga saksi sina Dela Cruz at Armado na kapwa nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan sa naganap na aksidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino sa dalawang driver ng trak ang may pananagutan sa aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page