2 teroristang NPA, todas sa engkuwentro
- BULGAR

- Oct 6, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 6, 2020
NORTH COTABATO — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga lokal na terorista kamakalawa sa Bgy. Malire, Antipas.
Ang mga napatay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinikilala ng mga awtoridad sa mga alyas na Ka James at Ka Nimno, kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa lalawigan.
Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga terorista kaya’t agad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan upang mapatay ang dalawang NPA.
Mabilis na tumakas ang iba pang NPA nang makitang napatay ang dalawa nilang kasamahang terorista.
Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na terorista.



Comments