top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 Tepok, 2 sugatan sa aksidente

  • BULGAR
  • Jun 5, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 5, 2022


SULTAN KUDARAT--Dalawang katao ang namatay at dalawa pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tinumigues, Lambayong.


Ang mga nasawi ay ang magkaangkas sa motorsiklo na sina Abubakar Sema at Alim Sema, samantalang ang sugatan naman ay sina Conrado Bornales at Nenita Bornales, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho nina Abubakar at Conrado kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang apat na biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Abubakar at Alim.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page