top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 sugarol tiklo sa pusoy-bahig

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2022


AKLAN—Dalawang sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy-bahig kamakalawa sa Bgy. Calangcang, Makato.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Noriel Tabiolo, 35-anyos at Ricardo Tana, 36-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing barangay ay agad nila itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa dalawang sugarol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page