top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 senglot, tiklo sa pagpapaputok ng baril

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 27, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 27, 2020



NUEVA ECIJA—Dalawang lasing na lalaki na nagpaputok ng baril ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Burgos Avenue, Cabanatuan Cito.


Ang mga suspek ay kinilalang sina Patrick Luna at Eisenhower Maldia, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, habang lulan ng kotse sina Luna at Maldia, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan ay isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril sa nabanggit na lugar.


Kaagad rumesponde ang pulisya at inaresto sina Luna at Maldia na nakumpisakahan ng kalibre .40 pistola, samantalang nakatakas ang dalawa nilang kaibigan.


Pinaghahanap na ng pulisya ang dalawa pang suspek, samantalang sinampahan na ng iba’t ibang uri ng kasi sina Luna at Maldia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page