top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 sabungero, timbog sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 09, 2022

NUEVA ECIJA–Dalawang sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. Cabucbucan, Rizal.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Christian Molina, 35-anyos at Ryan Sarmiento, 32-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang dalawang suspek, pero nakatakas ang ibang sabungero.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ang ibang nakatakas na sabungero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page