2 riders, sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | February 20, 2022
CAPIZ--Dalawang riders ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Cadio, Panitan.
Kinilala ng pulisya ang mga sugatang rider na sina Niel Flotilders, 21-anyos at Fernando Dogelo, 22-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho ng dalawang biktima kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na kapwa ginagamot na ngayon sa ospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino sa dalawang rider ang may pananagutan sa aksidente.



Comments