top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Rider sugatan sa banggaan

BULGAR
Apr 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 29, 2022


AKLAN – Dalawang rider ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Laguinbanwa East, Numancia sa lalawigang ito.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Ramil Barrera, 18-anyos at Jim Uguban, 25, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho nina Barrera ar Uguban kaya nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot, samantalang inaalam na ng pulisya kung sino sa dalawang rider ang may pananagutan sa aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page