2 Rider sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | May 25, 2022
AKLAN – Dalawang rider ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Mantiguib, Makato sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Ronnie Tolentino at Ben Torres, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho nina Tolentino at Torres kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang mga biktima, at inaalam na ng mga awtoridad kung sino kina Tolentino at Torres ang may pananagutan sa naganap na aksidente.



Comments