Search
  • BULGAR

2 rider, 1 angkas sugatan sa pick-up

@Balitang Probinsiya | February 7, 2021



AKLAN—Dalawang riders at isang angkas ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Cortes, Balete.


Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Franklin Patricio, Roy Alisasis at angkas nitong si Cris Talicusay, pawang nakatira sa Bgy. Lalab, Batan sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Herbert Bastareche kaya aksidente nitong nabangga ang motorsiklong minamaneho ni Patricio at motorsiklong minamaneho ni Alisasis na kaangkas si Talicusay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Ginagamot na sa ospital ang tatlong biktima, samantalang sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury and damage to property si Bastareche.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.