top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Patay sa puno ng Acacia

BULGAR
May 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 16, 2022


ILOCOS SUR – Dalawa katao ang namatay at isa pa ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang kotse sa puno ng acacia kamakalawa sa Bgy. Gongogong, San Ildefonso sa lalawigang ito.


Ang mga nasawi ay sina Floresto Tulali at Federico Pascual, kapwa nasa hustong gulang, at ang sugatan naman ay si Khimberly Estabillo, 26-anyos, residente ng Batac, Ilocos Norte.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Tulali habang lulan ng sasakyan sina Pascual at Estabillo kaya bumangga ang kotse sa puno ng acacia.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan sina Tulali at Pascual.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page