top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 notoryus na tulak, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 4, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Singcan-Airport, Bacolod City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jean Treyes, at Christian Ison, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay kaya nadakip ang dalawang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 55 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng dalawang drug pusher.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page