top of page
Search
  • BULGAR

2 Notoryus na tulak, nasakote

@Balitang Probinsiya | June 16, 2022


MAGUINDANAO–Dalawang notoryus na drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pagalungan.


Kinilala ang mga suspek na sina Dan Ayunan at Tapia Malingco, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay ang mga awtoridad kaya naaresto ang dalawang notoryus na drug pushers.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page