2 notoryus na tulak arestado
@Balitang Probinsiya | September 7, 2022
CAMARINES SUR—Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sta Cruz-Ratay, Calabanga.
Nakilala ang mga suspek na sina Jomel Abeca at Alvin Bonifacio, kapwa 33-anyos at parehong residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa naturang barangay kaya nadakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments