top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 Notoryus na tulak, arestado

  • BULGAR
  • Aug 21, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 21, 2022


CAMARINES NORTE—Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 2, Mercedes.


Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng pulisya.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng dalawang drug pusher ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.70 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng mga suspek.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page