2 Notoryus na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 19, 2022
ZAMBALES—Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Calapacua, Subic.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Jeric Parinas at Aike Berto, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga awtoridad at nang pagbentahan sila ng droga nina Parinas at Berto ay dito na agad dinakip ng mga operatiba ang dalawang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 40 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad at sa ngayon ay kapwa sila nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments