2 notoryus na pusher, nasakote

@Balitang Probinsiya | February 18, 2021
BAGUIO CITY—Dalawang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust kamakalawa sa Dizon Subdivision.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marloui Llanera at Jimboy Tanay, kapwa residente sa naturang lungsod
Nabatid na naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments