2 nagnakaw sa grocery store timbog
@Balitang Probinsiya | October 5, 2022
PAMPANGA—Dalawang lalaking nagnakaw sa isang grocery store ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Agustin, Candaba.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonar Sibug at Reneland Pangilinan, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, may nakakita sa mga suspek na nanloob sa grocery store sa nabanggit na barangay.
Dahil dito, kaagad rumesponde ang pulisya at dinakip ang dalawang suspek at nakumpiska sa kanilang mga grocery items na kanilang ninakaw.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments