top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 motorsiklo nagkabanggaan, rider patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2022

ANTIQUE–Isang rider ang namatay at tatlong katao pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Ilawod, Bugasong.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Hancel Estepano, 32-anyos, samantalang ang sugatan ay si Rey Gindap, 27-anyos at ang dalawang angkas nito sa motorsiklo na hindi pa nababatid ang mga pangalan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho nina Estepano at Gindap, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Estepano.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page