top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 motorsiklo nagbanggaan, 1 rider patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 04, 2022

PALAWAN–Isang rider ang namatay at sugatan din ang isa pang rider nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Narra.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Samson Abayon, Sr., nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan, samantalang inalaam pa pagkakakilanlan ng isa pang rider.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Abayon at ng isa pang rider kaya aksidenteng nagkabanggaan sa naturang lugar ang dalawang sasakyan.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Abayon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page