2 Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko
@Balitang Probinsiya | June 20, 2022
SULU–Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Patikul.
Ang mga sumukong terorista ay sina Almujer Yadah at Benahadi Quirino, kapwa nasa hustong gulang at mga miyembro ng ASG sa naturang lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng terorista ang dala niyang mga armas at mga pampasabog.
Ayon sa mga sumukong terorista, nais na nilang makapiling ang kanilang pamilya kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments