2 Magsasaka tiklo sa tanim na marijuana
- BULGAR
- Jun 5, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 5, 2022
CAGAYAN--Dalawang magsasaka na nagtanim ng marijuana ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Babuyan Claro, Calayan.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Elizardo Rosales at Rodrigo Linsangan, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nagbigay-impormasyon sa pulisya na may pananim na marijuana sina Rosales at Linsangan sa nasabing barangay kaya agad silang rumesponde at inaresto ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 piraso ng tanim na marijuana sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments