2 Magsasaka, tepok sa ratrat
@Balitang Probinsiya | July 7, 2022
NORTH COTABATO—Dalawang magsasaka ang namatay at isa pa ang sugatan nang barilin sila ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pagangan. Aleosan.
Hindi na muna pinangalanan ang mga biktima habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga suspek.
Kaagad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Dinala ng mga residente ang tatlong biktima sa ospital, pero dalawa dito ang idineklarang dead on arrival sa pagamutan.



Comments