top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 magnanakaw ng kalabasa nasakote

BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 4, 2022


BATANGAS—Dalawa sa anim na magnanakaw ng kalabasa ang nadakip kamakalawa ng mga awtoridad sa Bgy. San Mateo, San Pascual.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Sape, 18-anyos at Joshua Malabanan, 22-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan, samantalang hindi muna pinangalanan ang apat pang magnanakaw hangga't hindi sila nadarakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nakita ng caretaker ng farm na ninanakaw ng mga suspek ang mga pananim nilang kalabasa kaya agad itong humingi ng tulong sa pulisya.


Sa pagresponde ng mga awtoridad ay nadakip ang mga suspek, samantalang nakatakas ang apat pang magnanakaw.


Nakapiit na sina Sape at Malabanan na kapwa nahaharap sa kasong theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page