2 Lolo nag-away, 1 sugatan
@Balitang Probinsiya | May 22, 2022
AKLAN – Isa ang sugatan sa dalawang lolo na nag-away kamakalawa sa Bgy. Morales, Balete sa lalawigang ito.
Kinilala ng ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Wenifredo Quinicio, 66-anyos, samantalang ang suspek ay si Bertito Morales, 74, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Quinicio at Morales na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.
Matapos ang pananaga ay tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang biktima.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong attempted murder.



Comments