top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Lola arestado sa tong-its

BULGAR
May 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 19, 2022


ALBAY – Dalawang lola ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Alnay, Polangui sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Alejandra Barbacena, 67-anyos Madeline Echevarria, 66-anyos, kapwa mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang dalawang lola, samantalang nakatakas naman ang iba pang sugarol.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga sugarol.


Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page