2 Komunista todas sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | April 28 2022
MASBATE – Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Miabas, Palanas sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang dalawang komunistang napatay na kapwa miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga NPA na naging dahilan kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at dito napatay ang dalawang komunista.
Nang makitang napatay ng tropa ng pamahalaan ang dalawang komunista, ay mabilis na tumakas ang iba pang NPA.
Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na komunista.



Comments