top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

2 Kelot todas sa kuryente

BULGAR
Dec 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 1, 2022


NORTH COTABATO—Dalawang lalaki ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Polayagan, Almada.


Ang mga biktima ay nakilalang si Muhaymin Madaya, 25-anyos at Ivan Akwa, 16-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dulot ng malakas na ulan ay binaha ang tinutuluyang bahay nina Madaya at Akwa at habang nililimas ang tubig-baha ay napahawak sa live wire ang dalawang biktima kaya sila ay nakuryente.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang mga biktima.


Kaagad dinala ng kanilang mga kapitbahay ang mga biktima sa ospital, pero idineklara silang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page