top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 kelot, todas sa kasalubong na trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 27, 2021



NORTH COTABATO—Dalawang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Nueva Vida, Mlang.


Kinilala ang mga biktima na sina Emiliano Esog at Berly Diwaten, kapwa residente ng Bgy. Mabuhay, General Santos City.


Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol si Esog habang kaangkas si Diwaten kaya bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa kasalubong na trak.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Hindi na pinangalanan ng pulisya ang driver ng trak dahil kusa itong sumuko at nangakong sasagutin ang gastusin sa pagkamatay sa aksidente ng dalawang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page