top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 kelot, todas sa hit-and-run

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang lalaki ang namatay nang ma-hit-and-run ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Binoligan, Kidapawan City.


Kinilala ang mga biktima na sina Jahid Lu at Joedin Sendad, kapwa residente ng bayan ng Kabacan sa nasabing lalawigan.


Ayon sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ng hindi pa nakikilalang driver kaya aksidenteng nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo na kinalululanan ng dalawang biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng trak na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page