top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 kelot tinodas sa national highway

BULGAR
Aug 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 24, 2022


NORTH COTABATO—Dalawang lalaki ang namatay sa naganap na pamamaril kamakalawa sa national highway sa bayan ng Antipas.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Boboy Magbanua at isang alyas Efren, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakarinig umano ang mga residente ng mga putok ng baril na nagmula sa national highway.


Nabatid na kaagad nagtungo ang mga residente sa national highway upang mag-usisa at dito ay natagpuan nila ang duguang bangkay ng dalawang biktima.


Dahil dito, kaagad ini-report ng mga residente sa pulisya ang naganap na krimen.


Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page