2 Kelot tiklo sa boga at shabu
@Balitang Probinsiya | November 15, 2022
BATANGAS—Dalawang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Bgy. 6, Nasugbu.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Crisanto Sumanguid, 38-anyos at Jeffrey Tenorio, 26-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Putat sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala, dalawang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments