top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Kelot sugatan sa tricycle cargo

BULGAR
Apr 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 30, 2022


ZAMBALES – Dalawang lalaki ang sugatan nang bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa isang tricycle cargo kamakalawa sa Bgy. Old Cabalan, Olongapo City sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima kaya aksidenteng bumangga ito sa likurang bahagi ng tricycle cargo na minamaneho ni Alexander Dizon, nakatira sa nasabing lungsod.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot sa pagamutan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page