top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Kelot sugatan sa pananaksak

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2022


AKLAN—Dalawang binata ang sugatan nang pagsasaksakin ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Andagao, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na sina Kyle Palmon, 19-anyos at Charlie Villanueva, 18-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang pauwi sa kanilang mga bahay sina Palmon at Villanueva ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagsasaksak ang mga biktima.


Nang matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa isinagawang pananasak ng mga suspek, samantalang inoobserbahan pa sa pagamutan ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page