2 kelot na tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 16, 2022
AKLAN–Dalawang lalaking drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Laserna St., Kalibo.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina John Piedad, 22-anyos at Rodbell Dosas, 29-anyos, kapwa nakatira sa Roxas City, Capiz.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Laserna St., sa nasabing bayan.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachets ng shabu, drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments