2 kelot na pumatay sa sakristan, tiklo
@Balitang Probinsiya | February 05, 2022
CAPIZ–Dalawang lalaking pumatay sa sakristan ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanilang hideout.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek sina Jerry Azares, 25-anyos at Hargy Azares, 31-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang mga suspek dahil sa pambubugbog sa biktimang si Joey Dumangon.
Nabatid na dahil sa tindi ng pambubugbog ng mga suspek ay namatay ang biktima.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sila sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments